𝐌𝐚𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝟐,𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚, 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐮𝐫𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐆𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐈𝐤𝐚-𝟒𝟎 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐮𝐬𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨



Sa pagbabalik ng Kauswagan Caravan sa bayan ng San Isidro, tinatayang 2,435 pamilya mula sa mga barangay ng Palanit, Mabuhay, Veriato, at Caglanipao, ang napaglingkuran ngayong araw, April 20,2026, ng iba't ibang serbisyong medikal at dental, legal assistance, civil registration, agricultural at livelihood services, at iba pang mga serbisyo ng gobyerno. Kasabay din ang pamamahagi ng tulong tulad ng food packs, gamot, school supplies, tsinelas, vegetables seeds at mga pananim na inaasahang makatutulong sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.



Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Harris Ongchuan, kasama si Second District Congressman Edwin Ongchuan, Vice Governor Clarence Dato, mga Board Members, katuwang ang LGU San Isidro, mga BLGUs ng Veriato, Palanit, Mabuhay, at Caglanipao, mga pinuno at representante ng mga ahensiya ng gobyerno, NGOs, at pribadong sektor, isa na namang Kauswagan Caravan ang matagumpay na isinagawa, na may layuning patuloy na ilapit ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mas direkta at accessible na paraan—one caravan at a time.

 


For more news and updates, visit:
 ►http://northernsamar.gov.ph
 ►http://www.budyong.com

 Subscribe to our YouTube account: ►https://www.youtube.com/channel/UCRkURQbWNWtVo9rrAIdnlnA

 Like our Facebook page:
PGNS: https://www.facebook.com/PGNS.Official

Follow us on Twitter:
 ►https://twitter.com/nsamarpio
Previous Post Next Post

نموذج الاتصال