THE SOURCE || Ang kasaysayan ng Isla ng Samar, lalo na ang Hilagang Samar, ay tulad ng isang hiyas na kailangang kalkalin sa masukal at gabuntok na mga dokumento, mga pisikal na palatandaan sa mga parang at bundok, at natatanging kuwentong-bayan upang pag-aralan at alamin ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon.
Ang mga samu’t saring ebidensiya at salaysay na ito ang lalong magpapaigting sa ating pagkakakilanlan bilang magigiting na Ibà baonon at Pilipino na hinubog ng katutubong paniniwala, relihiyon, kolonyalismo, halu-halong dugo at lahi, at mga bagong kaisipan.
Ganito inilahad ng Provincial Government of Northern Samar (o PGNS) ang HistoEx – History to Experience, Kasaysayan' at Karanasan – na ginanap kamakailan lamang bilang bahagi sa paggunita ng History Month 2024 sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP). Isang malaking karangalan para sa inyong lingkod na maging daan ang aklat na “Northern Samar our Home” sa paglalahad ng kuwento ng Lalawigan ng Hilagang Samar.
Ang HistoEx ay pagtatampok sa mga natatanging kuwento at kasaysayan ng mga probinsiya at bayan, kasama ang mga heritage groups, bilang bahagi ng masaya at makabuluhang pagdiriwang ng “Buwan ng Kasaysayan”.
Napakahalaga ng adhikaing ito. Ang pag-aaral ng pambansang kasaysayan ay magiging mas makatotohanan at makabuluhan kung ito’y maiuugnay sa kuwento ng bayan o lalawigan na kinagisnan ng mag-aaral.
Anong saysay, halimbawa, ang pag-aalsa ni Sumuroy sa Palapag sa kasaysayan ng Pilipinas? Anong leksiyon ang natutunan ng mga Balangiganon sa Labanan sa Catubig? Bakit tila napakalaking dagok sa mga Amerikano ang tinaguriang “Balangiga Massacre” at bakit nila ninais sunugin ang Samar? Sino si Henry T. Allen sa kasaysayan ng Samar at bakit ipinangalan sa kanya ang bayan ng Allen?
Batid man natin o hindi ang mga kasagutan, ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit dapat ituloy ang pagtaguyod sa HistoEx bilang taunang pagdiriwang ng kasaysayan at karanasan nating lahat. Kailangan nating malaman at ipasa sa susunod na salinlahi ang ating mga kuwento bilang Ibà baonon at Pilipino.
Malugod na pagbati sa mga nagbuo ng konsepto at namahala ng HistoEx, at sa lahat ng dumalo at naglahad ng kasaysayan at karanasan ng kanilang bayan sa iba’t ibang paraan ng sining – awit, sayaw, kuwento at talakayan, panulat, video, litrato, at mga makalumang kasuotan ng nakalipas na panahon na akma sa tema ng pagdiriwang!
For more news and updates, visit:
►http://northernsamar.gov.ph
►http://www.budyong.com
Subscribe to our YouTube account: ►https://www.youtube.com/channel/UCRkURQbWNWtVo9rrAIdnlnA
Like our Facebook page:
►PGNS: https://www.facebook.com/PGNS.Official
Follow us on Twitter:
►https://twitter.com/nsamarpio
Subscribe to our YouTube account: ►https://www.youtube.com/channel/UCRkURQbWNWtVo9rrAIdnlnA
Like our Facebook page:
►PGNS: https://www.facebook.com/PGNS.Official
Follow us on Twitter:
►https://twitter.com/nsamarpio