𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧, 𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐥𝐯𝐢𝐧𝐨 𝐋𝐮𝐛𝐨𝐬


Bilang pagpapatuloy ng diwa ng pagtutulungan at pagkilala sa kahalagahan ng mga kababaihan, isinagawa ngayong araw, Abril 17, 2026, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ang Caravan Para kay Juana sa Silvino Lubos, na naghatid ng libreng serbisyong medikal, legal, pangkabuhayan, mga pananim, supplies at dagdag na kaalaman para sa mga kababaihang kabilang sa indigent na sektor. Naging mahalagang pagkakataon ito para sa maraming Juana upang mas mapalapit at makinabang sa mga serbisyong hatid ng pamahalaan.

Ipinakita ng inisyatibang ito ang pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Northern Samar at ang paninindigan na ang pagkilala sa mga kababaihan ay hindi natatapos sa buwan ng mga kababaihan, kundi isang tuloy-tuloy na adbokasiya na isulong ang inklusibong pag-unlad at empowerment para sa bawat kababaihan ng probinsya, kasama na ang kanilang mga pamilya.

Sa pangunguna ni Governor Harris Ongchuan, kasama si Congressman Edwin, Bise Gobernador Clarence Dato at mga Board Members, Ms. Bles Ongchuan, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at iba pang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang LGU Silvino, iba't ibang ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at mga organisasyon, naging mas malapit at mas accessible ang mga serbisyong direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga Juana ng Brgy. Cababayogan at Genagasan ng Silvino Lubos.

Sa mga naging bahagi ng makabuluhang serbisyong eto, maraming maraming salamat!

 

Uploading: 4000862 of 4000862 bytes uploaded.







For more news and updates, visit:

 Subscribe to our YouTube account: ►https://www.youtube.com/channel/UCRkURQbWNWtVo9rrAIdnlnA

 Like our Facebook page:

Follow us on Twitter:
Previous Post Next Post

نموذج الاتصال