Nasa Northern Samar ang isang team ng mananaliksik mula sa National Museum of the Philippines upang magsagawa ng archaeological survey and test excavation sa iba’t ibang munisipyo sa probinsya. Pinaniwalaang malaki ang naging bahagi ng lalawigan sa kasaysayan dahil sa pagiging ruta nito sa maritime exchange sa panahon ng Galleon Trade.
Pinangunahan ang National Museum Team ni Dr. Mary Jane Louise Bolunia (Museum Curator II), kasama sina Mr. Gerard John Palaya, kasama sa National Museum Team sina, Mr. Ivan Cultura, at Mr. Melchor Lagamayo Jr., sinimulang puntahan ng grupo para sa mga archaeological gems ay mga bayan ng Lavezares, Palapag, Biri at Laoang
Sa Lavezares, particular na naging interes ang parish grounds and historic ruins, ang Lavezares Central Elementary School (LCES) para sa mga pre-Hispanic artifacts na nadiskubre sa Bgy. Bani taong 2014, ang Tabok Hill kung saan nakita ang historical cannon na ngayon ay nasa paanan ng monumento ni Rizal at ang Bgy. Maravilla na kilala sa paggawa ng mga bangka.
Sinabi ni Dr. Bolunia na mahalaga ang pag-aaral upang matuklasan ang mga artifacts, tools at lumang istraktura na sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng probinsya, para mapanatili eto sa susunod na mga henerasyon.
Ang National Museum team na sinamahan ni Mr. Carl Bordeos sa paglilibot sa Northern Samar, ay mainit na tinanggap sa Lavezares Ni Mayor Edito Saludaga. Sila ay dumating noong Marso 12 at mananatili hanggang Marso 20, 2026 para sa pananaliksik.
Source: PPDO
►http://northernsamar.gov.ph
►http://www.budyong.com
Subscribe to our YouTube account: ►https://www.youtube.com/channel/UCRkURQbWNWtVo9rrAIdnlnA
Like our Facebook page:
►PGNS: https://www.facebook.com/PGNS.Official
Follow us on Twitter:
►https://twitter.com/nsamarpio
Subscribe to our YouTube account: ►https://www.youtube.com/channel/UCRkURQbWNWtVo9rrAIdnlnA
Like our Facebook page:
►PGNS: https://www.facebook.com/PGNS.Official
Follow us on Twitter:
►https://twitter.com/nsamarpio